Updates
Loading...

Pamaypay ng Maynila lyrics

Lyrics of Pamaypay ng Maynila (Filipino Folk Songs)

Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan Ang bawa’t mga kilos sa padyak ng pamaypay Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay. Kung ito’y nakatabing sa tapat ng mukha ko Ang ibig na sabihin may pag-asa sa puso ko Nguni’t pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo. Pag ito’y pinamaspas na panay ang pagaspas Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiin Subali’t pagmalaya, may ibig alamin Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw. Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdamin Bawa’t simoy ng hangin na dito ay nanggaling Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin
Folk Songs
If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
Share on Google Plus

About admin

Hello everyone! Welcome to my blog - Filipino Folk Songs. In this blog you will find list of different Folk Songs together with their lyrics.
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments :

Post a Comment