Sampaguita ng aking bayan Bulaklak na bango ng buhay Simputi ng sumpang dalisay Ng pagsintang 'di mamamatay Ikaw raw ang laging pagsuyo Ng dalagang minsang mangako Sa binatang dagling lumayo ay naghihintay ang dakilang puso. Sa pagluha pumanaw ang paraluman Ngunit sa libingan nakita'y halaman Bulaklak ka'y puti ay tanda ng buhay Sumpa kita ang waring bulong sa bawat nagdaraan. Buhat noon pinanganlang Sampaguita Ang halamang pusong luha ng dalaga Kaya ang pagsintang hanap ay pag-asa Laging nagpupunta sa liblib ng tanging Sampaguita Sa bayan kong mahal ang Sampaguita Sumpang walang hanggan Ang pusong tunay na magmahal ay Sampaguitang 'di mapaparam.
If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
0 comments :
Post a Comment