Kung ang sinta’y ulilahin sino pa kayang tatawagin Kung hindi si Neneng kong giliw Naku kay layo sa piling Malayo man malapit din Pilit ko ring mararating Huwag lamang masabi mong Di kita ginigiliw Ginigiliw kitang tunay Alaala gabi’t araw Pag di na natatanaw Puso ko’y nalulumbay Sinisinta kita, di ka kumikibo, akala mo yata, ako’y nagbibiro; saksi ko ang langit, sampu ng kanduro, kundi kita sinta, puputok ang puso. Sinisinta kita ng sintang patnubay, patnubay na sintang walang katapusan; madurog ang bato, magbangon ang bangkay, walang ibang sinta, kundi ikaw lamang.
If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
0 comments :
Post a Comment