Updates
Loading...

Orasan Ng Pag-ibig Lyrics

Lyrics of Orasan Ng Pag-ibig (Kundiman Folk Songs)

Ala una nang hapon ng tayo ay magkita
Alas dos naman ng tayo ay magka-kilala
Alas tres ang wika ko "Giliw mahal kita"
In-punto alas kwatro, noong sumagot ka

Alas singko tayo'y nagtipanang magtatagpo
Upang ipadama ang tunay na pagsuyo
Ngunit ako yata sa'yo'y mabibigo
Ang pag-asa nitong aba kong puso ngayo'y naglalaho

Alas sais, alas siyete, hinihintay-hintay kita
O ang dilim nitong gabi sa puso ko ay bumalisa
Ang hindi ko malaman, kung napapa'no kana
Aking mahal sa buhay ko hanggang ngayo'y wala ka pa, wala ka pa, wala ka pa

Kaya ngayon ang orasyon sa tuwing aking maririnig
Ay para bang nanunumbat ang orasan ng pag-ibig
Pag ganito'ng aking puso sa loob ng aking dibdib
Ay tila ba orasan din, kasawian bawat pintig

Alas sais, alas siyete, hinihintay-hintay kita
O ang dilim nitong gabi sa puso ko ay bumalisa
Ang hindi ko malaman, kung napapa'no kana
Aking mahal sa buhay ko, hanggang ngayo'y wala ka pa, wala ka pa, wala ka pa

Kaya ngayon ang orasyon sa tuwing aking maririnig
Ay para bang nanunumbat ang orasan ng pag-ibig
Pag ganito'ng aking puso sa loob ng aking dibdib
Ay tila ba orasan din, kasawian bawat pintig
Folk Songs


If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
Share on Google Plus

About admin

Hello everyone! Welcome to my blog - Filipino Folk Songs. In this blog you will find list of different Folk Songs together with their lyrics.
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments :

Post a Comment