Nang pista sa nayon Nagsayaw ka hirang Napakagandang pagmasdan Ang maliliit mong hakbang At ang tatlong basong May taglay na ilaw Ay tinimbang mong lahat Sa ulo't sa mga kamay Ngunit 'di mo alam Na minamasdan kita At nabihag mo ako Sa iyong pandanggong kay sigla Magbuhat na noon Ay inaalala ka Dahil sa walang lakas Ang puso kong limutin ka Sa pandanggo mo'y Hanga ang lahat Tangan mong mga ilawan Ni isa'y walang lumagpak Puso kong ito Nais ko liyag Ay ingatan mo na rin Pagka't ikaw ang may hawak.
If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
0 comments :
Post a Comment