by: Asin
Ayon sa kasulatan
Ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon
At sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw
ay may ugaling magnanakaw
Mula pa noong unang panahon
Hanggang sa kasalukuyan
Ito kaya'y totoo
Ito kaya'y nangyayari
Ito kaya'y nangyayari noon
Nangyayari rin kaya ngayon
Ito kaya'y dahil na rin
sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain
at sa iba'y nakikinabang
Tingnan mo ang iyong sarili
Suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw
ang taong mapagsamantala
Hindi nagpapawis
Hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari
Madaling makilala
Balatkayong ginagamit
kahit hindi s'ya pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya
May magnanakaw ng oras,
talino at pawis
Pati ang galing
kung minsan'y ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin
Ngayong alam na natin
dahil na rin ba sa katamaran
hahayaan na lang ba natin
Tingnan mo ang iyong sarili
Suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw
ang taong mapagsamantala
Hindi nagpapawis
Hindi lumuluha
Magnanakaw ng oras, galing,
at pawis ng iba.
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari
Madaling makilala
Balatkayong ginagamit
kahit hindi s'ya pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya
If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
0 comments :
Post a Comment