by: Asin
Halos lahat ay nagtatanong
doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran
na aking pinagmulan.
Sila'y nalilito
ba't daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan
Ako lang ang nakakaalam
Magulang ko'y ginawa na ang
lahat ng paraan
Upang mahiwalay sa
aking natutunan
Subali't iniwan ko
ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan
Ako lang ang nakakaalam
Musika ang buhay na
aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay.
Kaya ngayon ako'y narito
Upang ipaalam na 'di ako
nagkamali sa aking daan
Gantimpala'y 'di ko hangad
na makamtan
Kundi ang malamang tama
ang aking ginawa.
Musika ang buhay na
aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay.
If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
0 comments :
Post a Comment