by: Asin
Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan
na dapat mapansin at maintindihan
Kahit sino ka man ay dapat malaman
na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang.
Kahit na ang araw sa kalangitan
S'ya ay tuldok lamang sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung pagmasdang mabuti tuldok ang uuwian.
Tingnan mong mabuti ang sangkatauhan
Maraming nag-aaway tuldok lang ang dahilan
Sa aking nakita ako'y natawa lang
Pagkat ang nangyayari malaking kahibangan.
Kaya wala kang dapat na ipagmayabang
Na ikaw ay mautak at maraming alam
Dahil kung susuriin at ating iisipin
Katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin.
If you are looking for more Filipino Folk Songs feel free to explore our Folk Song page.
0 comments :
Post a Comment